Why Gov. Grace?

It’s…

…the way she goes back to the people.
…the way she empowers her subordinate.
…the way she makes transparency the consciousness in her capitol.
…her strong political will and well-thought of decisions.

It’s her qualities as an empowering, effective and ethical leader that inspires us. Her achievement as a Ramon Magsaysay Award for Government Service awardee can easily affirm the efforts she has already done. Let us show our clamor for her to run as president.

August 1, 2009
Launch of the Kayang-Kaya! Movement
Contact us for the event details

******

Email: kayangkaya@gmail.com
Mobile No.: 0917-490-5135 (Ian) / 0917-854-5191 (Ralph)
Landline No.: 02-392-9028 (Ian) / 02-392-6741 (Ralph)

We are also accepting volunteers and contributions.🙂
Volunteers may sign up HERE!

6 responses to “Why Gov. Grace?

  1. you guys should be aware and not be deceived by this person! she is facing 4 cases of ANTI-GRAFT AND CORRUPTION PRACTICES FOR THE MISUSE OF PUBLIC FUNDS! Case # ‘s as ff for everyone who wants to verify – OMB-L-C-07-0220-B; OMB-L-C-07-0224-B For: VRA 3019,Sec. 3(e); OMB-L-C-07-0286,MOB-L-C-07-0239-C For Violation of RA 3019 and Misconduct.

  2. COA report of DISALLOWANCES by Grace Padaca and PT Flores for the period of Jan 1 – June 30, 2007 totaling to P1,006,220.
    ILLEGAL release of funds on financial assistance in violation of Section 104 and 261 (v) of the Omnibus Election Code as follows:
    April 4, 2007 – Brgy. La Paz, Cabatuan – P36,896
    April 4, 2007 – Brgy. Aniog, Angadanan – P37,896
    April 4, 2007 – Brgy. Sto. Domingo, Luna – P40,000
    April 4, 2007 – Brgy. Dipaluba, Angadanan – P36,896
    April 4, 2007 – Brgy. Duroc, Angadanan – P35,000
    April 4, 2007 – Brgy. Magleticia, Echague – P 28,000
    April 4, 2007 – Brgy. Buena Suerte, Cauayan City – P36,896
    April 11, 2007 – Brgy. San Vicente, Sto.Tomas –P35,000
    April 11, 2007 – Brgy. Cabecera 5, Ilagan – P39,600
    April 11, 2007 – Brgy. Union Kalinga, Luna –P30,000
    April 11, 2007 – Brgy. Centro III, Angadanan – P37,896
    April 11, 2007 – Brgy. Labinab, Cauayan City – P28,000
    April 11, 2007 – Brgy. Nagrumbuan, Cauayan City – P45,000
    April 11, 2007 – Brgy. Esperanza, West Aurora –P37,896
    April 11, 2007 – Brgy. Raniag, Ramon – P 57,160
    April 11, 2007 – Brgy. Quinagabian, Sta. Maria –P36,896
    April 12, 2007 – Brgy. Lalog 2, Luna – P40,000
    April 17, 2007 – Brgy. Gumbauan, Echague – P50,000
    April 18, 2007 – Brgy. Centro San Antonio, Ilagan – P36,896
    April 18, 2007 – Brgy. Baniket, Angadanan – P30,000
    April 18, 2007 – Brgy. Camasi, Tumauini – P37,896
    April 18, 2007 – Brgy. Villa Conception, Roxas – P40,500
    April 25, 2007 – Brgy. Dappig, San Agustin – P40,000
    April 25, 2007 – Brgy. Carabbatan Punta, Cauayan City – P36,896
    April 25, 2007 – Brgy. Daramuangan Norte, San Mateo – P40,000

    NOTE: This Notice of Disallowance is being issued in compliance with the 12th Endorsement and 14th Endorsement dated May 18, 2009 and May 29,2009, respectively, of Atty. Edwin Gregorio A. Torre, Director III and Officer-In-Charge, COA Regional Office No. 02, Tuguegarao City.

  3. you should know the REAL GRACE PADACA…before you decide to support her.

  4. Isabela Gubernatorial Debate sa Bombo, May 1
    http://www.zshare.net/audio/75672270d5011006/

    PAUNANG PAHAYAG

    BOJIE DY: Isang magandang magandang gabi sa atin pong lahat, lalong lalo kay Binibining Grace Padaca at ganoon din kay Fr Cabauatan, Karina, magandang gabi po sa ating lahat. Ako po si Cong Faustino “Bojie” Dy, tumatakbong gobernador ng ating mahal na lalawigan ng Isabela. Naniniwala po na kahit sinong gustong maglingkod bayan ay walang ibang hangad, kundi makita ang kaunlaran ng kanyang nasasakupan. Bilang Punong Barangay noong taong 1989 hanggang 1992, ang amin pong barangay ng District 1 ay nakatanggap ng pinakamataas na parangal – The Most Outstanding Lupong Tagapamayapa ng buong Pilipinas. Bilang isang Punong Bayan naman po sa isang Class C municipality. Dahil po sa pagkakaisa ng atin pong mga mamamayan, naging lungsod ang bayan po ng Cauayan. Bilang congressman ng ikatlong distrito ng Isabela, lahat ng bayan at barangay ay napagkalooban ng nararapat na serbisyo. Bawat barangay ay napaglalaanan ng pinakamababa na isang daang libong piso bawat isang kada taon para sa kanilang mga priority projects. Sa pamamagitan din ng pagkakaisa at pagtutulungan sa ikatlong distrito, nakamit ang mga serbisyong pang-agrikultura, edukasyon, livelihood, imprastraktura at pangkalusugan. Dagdag pa ang 100% energization ng buong distrito. Bilang tugon sa paghamon ng panahon, programang agrikultura, edukasyon, kabuhayan, imprastraktura, social services at pangkalusugan sa 1,018 barangays sa buong lalawigan. Napakahalaga ng kalusugan ng bawat isa. Kaya po, dapat po nating ibalik ang serbisyong libreng gamot sa atin pong mga health centers, district at provincial hospital. Action Desk sa lahat ng pampublikong hospital para sa financial assistance sa mga pasyenteng lubos na nangangailangan mula sa P1,000 hanggang P2,000. Dahil sa tunay na pagkakaisa, dumating ang irigasyon, magagarang lansangan at tulay, koryente sa bawat sulok ng lalawigan, at kinikilala at pinaparangalan ang lalawigan dahil sa tagumpay ng atin pong pagsisikap. Nailagay ang probinsiya ng Isabela bilang panglima na pinakamaunlad sa buong bansa noong panahon ng panunungkulan ni apo Governor Junior Dy. Ang pangarap po namin ni Cong Rodito Albano ay ibalik ang sigla dito po sa ating lalawigan ng Isabela.

    GRACE PADACA: Salamat Karina. Magandang gabi Fr Florman. Magandang gabi Bojie Dy. Naimbag nga rabii, apo Isabelino. Kung plataporma ang pag-uusapan, ipagpapatuloy po natin ang mga sa wakas ay naibigay ng serbisyo sa mga apo Isabelino, magmula noong lumaya ang kapitolyo mula sa dinastiya. Una, ang kapakanan ng ating mga magsasaka. Napatunayan ko na po na ang pagtutok sa inyo ang aking prioridad. Itong anim na taon ko bilang gobernador, bawat anihan ay nagbibigay kami ng Price Subsidy o dagdag na presyo sa NFA hanggang tatlong piso bawat kilo ng palay at mais. Never din po na hinarang namin ang mga biyahero mula sa ibang probinsiya. Open at hindi bawal na pumasok sila dito dahil never rin na minolistiya ko ang kahit sinumang rice trader o financier o negosyante, kaya ang kalayaan ng mga magsasaka sa Isabela ay kalayaan na rin ng mga negosyante. Bukambibig ko ang “Apo Isabelino”, at hindi lamang po yon slogan. Dahil bukod sa mga kapitan sa barangay ay kapantay ko ring binibigyan ng importansiya at direktang nakakaugnayan at napagsisilbihan ang mga RIC, IGLO at iba pang grupong kababaihan, senior citizens, kabataan, mga estudyante, OFW, guro, tricycle drivers, market vendors, mga NGO at iba pa. Ang tawag ko dito ay “people empowerment”. Hindi lang mga politiko, empowerment po ng mga ordinaryong Isabelino. Mga pautang sa livelihood na walang interest, pagbibigay ng libreng PhilHealth cards sa mga mahihirap, ang ating comprehensive health program, mga scholarship programs at financial assistance. Ang ating anti-logging campaign at siyempre ang ating Ugnayang Bayan para sa mga proyektong kalsada sa barangay, mga paaralan at iba pa. Higit sa lahat ng ito ay ang malinis pamamahala na walang palakasan, walang kurakutan, walang kickback o komisyon, kung kaya’t ang pera ng probinsiya ay naaalagaan, kaya’t nabayaran na ang karamihan sa bilyong utang ng mga dynasty na namana ko, at hindi ko na kayo iniutang pa. At siyempre, meron tayong sapat na pondo para sa ating mga malaking projects at kung may kailangan ay hindi tayo pulubi na aasa na lamang sa iba. Ito po ang buod ng ating mga nagawa na at itutuloy pa, para sa Bravo Isabelino, Forward Isabela.

    UNANG KATANUNGAN NI BOMBO KARINA KAY BOJIE DY

    BOMBO KARINA: You mentioned sa opening statement nyo po kanina na noong kayo ay barangay kapitan, nagawa nyong most peaceful barangay, yan po ay sa barangay level. Tapos later, naging mayor po kayo, at naging kongresista. Papaano nyo po kaya magagamit ang mga experience nyo bilang kapitan, mayor – ang binanggit nyo sa accomplishment nyo bilang mayor ng Cauayan ay naging city ang Cauayan. Tapos yong sa pagiging kongresista ninyo, of course alam ho natin na ang Congress, legislative po ‘yon. Papaano po kayo pupunta para sa mas malawak na executive

    BOJIE DY: Katulad ng nakalagay diyan, ako’y nagsilbi bilang Kabataang Barangay at Punong Barangay. Alam nyo naman po ang function ng barangay captain, tatlo po ang function niyan, unang-una executive; kami rin po ang nagpre-preside, meron ding legislative; at kami rin po’y namumuno ng barangay justice at judiciary. Pagdating naman po, ang ating karanasan bilang Punong Bayan, wala pong ipinag-iba yan sa pagiging gobernador ng ating lalawigan ng Isabela, sapagkat parehas halos ang functions. Ang diperensiya lamang po niyan, ‘yong sinasakupang lugar at iyong iba pang tungkulin bilang gobernador. Subalit, makikita mo, dahil sa tiwala at samahan, at pagkakaisa ng ating lungsod ng Cauayan na kung bakit naman, from third Class, naging first class at naging lungsod ang ating bayan ng Cauayan, sapagkat ‘yong tiwala po nila sa ating paninilbihan – yong mga balanseng programa na atin pong ipaabot na habang tayo ay nanunungkulan bilang ama ng ating bayan ng Cauayan

    UNANG KATANUNGA NI BOMBO KARINA KAY GRACE PADACA

    BOMBO KARINA: Governor Grace Padaca, sa una nyong sinabi rin, mga unang statement nyo, actually marami ng kuwan doon e, kumbaga patutsada sa kaharap nyo ngayon. Gusto kong kunin yong sinabi nyo kanina, na never na hinarang ang mga pumunta rito para bumili ng mga produkto ng mga magsasaka, so yong ginawa nyo na ‘yan ay kalayaan ng mga magsasaka at kalayaan din ng mga negosyante. Pero yong mga diin ng pagbigkas ninyo ay mukhang mas malalim pa ang ibig sabihin kaysa yong talagang words being used. Ano po ang ibig nyong sabihin noon. Meron bang noong nakaraan ay nahaharang ang mga negosyante sa probinsiya ng Isabela?

    GRACE PADACA: Bago pa man ako naging gobernador Karina, bilang isang broadcast journalist dati ay ito yong ilan sa mga feedbacks na aking natatanggap noon at kahit noong ako ay naging kandidato na. Una, noong kandidato ako sa pagka-congressman noong 2001, and pati na rin noong una akong tumakbo sa pagka gobernador na dahil prinoproteksiyunan ang ilang mga negosyante dito sa loob ng probinsiya ay hinaharang ang mga biyahero mula sa Bulacan at iba pang mga lalawigan na makapunta dito, nga isu pay kuma apo nga gumatang iti napinpintas nga presyo para kadagiti apo manalon. Idi umunaak nga nag-gobernador ket, I set the signal to everyone na lahat ay pwedeng pumasok dito kasi wala akong prinoproteksiyunang negosyante dahil ‘pag ako’y nangangampanya ay tipid na tipid at wala po akong kinukunan ng campaign funds para kailangan ko silang bayaran pagkatapos, bayaran ng utang na loob o bayaran ng kampanya at anuman at walang protectionism sa kanila. At makikita sinumang negosyante dito sa Isabela, anim na taon na akong gobernador, wala ni isa man sa kanila ang makapagsasabi humingi ako ng anuman, nagpunta ako sa kanila na para akong may itinago na mag-iisyu ako ng post dated checks. Ito lahat ‘yong mga nakakasakal sa mga negosyante na in turn, dahil pinapautang nila ‘yong mga magsasaka, iyon na rin ang nakakasakal sa kanilang mga proseso sa mga magsasaka. So yon ang ibig kong sabihin sa aking sinabi tungkol sa kalayaan ng mga negosyante sa ating lalawigan ng Isabela.

    REBBUTAL

    BOJIE DY: Hindi ba pwedeng mag-rebbutal o magsalita man lang tungkol sa isyu na ‘yan.

    BOMBO KARINA: Sige po, take it away, 1 minute for Cong Bojie Dy

    BOJIE DY: Siguro naman, kung titingnan natin ang kasaysayan ng ating lalawigan ng Isabela, kailanman ay nakikita natin kung papaano po mangalakal ang sinuman sa ating lalawigan ng Isabela. Ang dami pong pumapasok dito sa ating lalawigan, sapagkat nakita nila kung gaano kayaman at kalawak ang ating lalawigan, lalong-lalo na kung pag-uusapan natin ang agrikultura. Alam natin na dito sa ating lalawigan ng Isabela, ang isang naghihikayat ay ‘yong ating pagkakaisa, ‘yong maayos at matahimik na ating lalawigan ng Isabela. Ngayong gabi, akala ko kasi, yong mga nadidinig dinig ko lamang na talagang, para bang idinidiin at sinisisi ni Grace Padaca ang mga pagpipigil daw. Ang pinakamaganda sa lahat, sabihin mo na kung sino o sinong involved o sinong traders, kasi according to you, feedback. So walang basehan. Kung meron kang basehan, sabihin mo na, para sa ganoon malaman natin kung talagang protector nga, o kaya nagbabawal.

    (BUZZ)

    BOMBO KARINA: Thank you congressman. Yes, Governor, 1 minute din po.

    GRACE PADACA: Ikaw naman Bojie, kapag kinukutungan nyo ang mga negosyante, meron bang lalabas na magpru-pruweba diyan. Kayo-kayo na lang nakakaalam. Tanungin mo na lang sa konsensiya mo, Bogie

    BOJIE DY: Pinakamaganda siguro Grace,

    GRACE PADACA: May 1 minute pa ako

    BOMBO KARINA: Patapusin nyo lang po si Governor

    GRACE PADACA: So dapat ganoon e. Kung ano man yong inyong. Konsensiya mo na lang ang sumagot niyan. At saka alam ko maraming nakikinig sa atin ngayong mga negosyante, baka may makasalubong ka lang diyan, sa Cauayan, sa Cabatuan, kung hindi man ikaw, dito rin sa Cauayan, ay ang pamilya nyo, kasi malaki kayong pamilya, ang tagal nyo sa kapangyarihan. Hindi mangyayaring wala kayong nasasagasaang ganyan, na dito nga sa Cauayan…

    (BUZZ)

    MAGKAPAREHONG KATANUNGAN PARA SA DALAWANG MAGKATUNGGALI

    BOMBO KARINA: Ang tanong ko, sasagutin nilang dalawa, tanong ko dahil medyo mainit na, this is the second time na magkalaban po kayo sa politika. The first time was in 2001, for congressional district 3. So later parehas kayong tumakbo sa ibang posisyon na po. Pero ngayon, kumbaga, second bout. Karugtong sa tanong ko na ‘yan, may kaugnayan naman sa mga sinasabi sa cheating sa halalan.Meron din akong gustong itanong din doon dahil noong 2001, sabi ni Gov Grace Padaca, nadaya siya noon. Tapos nitong last na election, ang nakalaban naman ni Gov Grace ay si brother nyo po, na si former Governor Ben Dy. Tapos may isyu rin ng election fraud. Sa ngayon at kayo ay nanditong dalawa, maganda siguro na pag-usapan ninyo yon at kayo mismong dalawa ay magkalaban ngayon. Meron bang lalabas pa rin na isyu ng kaya election fraud kaya ngayon, at kayo ay magkatunggali. Medyo magulo ‘yong tanong ko. So una, how are you feeling for the second time, and saka yong isyu ng election fraud.

    BOJIE DY: Unang-una sa lahat, ito’y aming pangalawang paghaharap ni Binibining Grace Padaca. At tungkol naman kung pag-uusapan natin tungkol nitong electoral fraud na nangyari na katulad ng binebentang ni Binibining Grace Padaca. Katunayan niyan, noong December 8 na year 2009, sino ba ang nagkaroon ng Decision ng COMELEC tungkol sa pandaraya tungkol sa mga halalan. Si Binibining Grace Padaca ay nabigyan naman ng pagkakataon noong 2001 na iharap ang kanyang kaso sa HRET. Subalit, ang desisyon na lumabas ay ako pa rin ang nanalo at wala namang kadudaduda tungkol sa mga pangyayaring ginawa ni Governor Grace habang itong election ng 2007. Kaya nga pinpointed kaagad ng mga grupo ni Governor Ben Dy kung saan ‘yong mga nangyaring may mga pandaraya noong nakaraang halalan.

    GRACE PADACA: Unang pinag-uusapan natin dito ‘yong tungkol sa 2001 kung saan nai-proclaim ka Bogie ng madaling araw with a margin of 2,000. Noong pinalit-palitan nyo ang boto sa Angadanan, Isabela at dinagdagan ang boto mo. Ako’y nagdemanda sa Tribunal, in the end nakita na talagang dinagdagan ang mga boto mo, kaya binawas-bawasan nila yong mga naidagdag na boto hanggang bumaba sa 48 yong lamang mo daw. Pero dahil marami kayong kakampi, mayaman kayo, makapangyarihan kayo, ini-impluwensiyahan ninyo ang mga Tribunal members, kaya hindi nila binilang ang 150 votes para sa akin. Merong separate opinion doon si Supreme Court Justice Jose Vitug na ako dapat ang nai-proclaim. Actually, you are good for one more term Bogie e, kasi yong unang term mo, akin dapat ‘yon. Inagaw mo lang. Kayo ang kilala sa pandaraya, hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng mga konsehal, lahat na sanang naiproklamang mayor noong panahon ng tatay mo, noong panahon ng mga kapatid mo. Lahat. Hindi lang ako ang naging biktima ng inyong electoral fraud. E, sinong maniniwala na ako si Grace, ako ang kayang mandaya sa ‘yo o kay Benjamin Dy, samantalang kayo ang sanay. Kayo ang magaling sa COMELEC. Hanggang ngayon, ngayon ang dami-dami nyong binabayarang mga boto. Halos lahat ng makasalubong nyo, binibigyan nyo ng pera. Tapos yong mga tao nyo sa Angadanan, at kung saan ay napaka-terorista. Sino ang may reputasyong ganoon sa ating lalawigan ng Isabela – sa ‘yo o ako?

    BOJIE DY: Alam mo, sa dami ng sinabi ni Binibining Grace Padaca, unang-una, sino ba ‘yong ngayong huli na lamang, ang pagbibigay pati ng bigas na ginagamit ang calamity fund. (Applause from outside the booth) Ito’y indirect vote buying. Pangalawa, ‘yong paghahabol ng mga pondo sa mga bara-barangay na alam natin na noon pa lamang 3 years ago, mga nakabinbin na mga request at resolution, na kung kelan naghahabol ang provincial government sa pagbibigay ng mga pondo na ang ito P60,000 mga cash assistance sa bawat mga barangay. At hindi lamang po ‘yon, kung ang expertise o sinasabi ni Binibining Grace Padaca, ang pandaraya ng pamilyang Dy, e di sana walang natatalong miyembro ng pamilya na tumatakbo sa halalan.

    BOMBO KARINA: For all our kasama diyan sa labas, iwasan ho sana nating mangantiyaw ha. Kasi in the first place, ang panuntunan dapat ngayon ng Bombo Radyo, isa lang ang kasama ng mga kandidato dito. So, we will be constrained to, paalisin kayo lahat diyan kung hindi kayo mag-behave. Sana klaro. And now, Gov Padaca please

    GRACE PADACA: Yong mga pumalakpak na ‘yon puro sa kanya e, noong sinabi yong pamimigay ng bigas. Alam nyo, ako kasi lagi akong sumusunod sa batas. Kahit na mayroong deadline, marami pa sana kaming kailangang tulungan na nabiktima ng drought, pero dahil naabutan na kami ng election period noong March 26, kailangan na naming itigil kasi iyon ay bawal sa batas, ang pamimigay ng bigas. Kaya, we coordinated with the DSWD, sa Red Cross, para kahit pera ng kapitolyo ang pinambili sa mga bigas, sila ang magbigay, para hindi kami. Pero anong nangyayari ngayon? Right within the electoral period, nandoon ako sa Batong Labang kahapon, nakita ko ‘yong Barangay Bangag, namimigay ng bigas yong mga taga ILAW na miyembro nila, na right in this election at kahit na sino ang barangay, ang daming namimigay ng bigas ngayon na galing sa kanila. Silang illegal.

    BOMBO KARINA: Briefly, Cong Bojie Dy

    BOJIE DY: Karagdagan ito doon sa sinasabi ni Binibining Grace Padaca sa pagdi-distribute ng kanilang bigas. Naging mas mabilis sana kung ito’y ang pinagkakatiwalaan ng ating bayan ang namumuno sa pagbibigay, iniwan na kaagad sana dapat yan sa mga local government unit sa mga DSWD, at lalo na ‘yong mga agriculturist natin para ma-determine kaagad kung sino yong mga naapektuhan ng El Nino. Subalit, ang dami pong mga bayan ang pinagbigyan ‘yong mga kandidato na meron pang nasa loob ng mga pangalan ng mga kandidato katulad noong nakita at nahuli doon sa bayan ng San Mariano. Makikita mo na talagang ginagamit ito ng pampolitiko at hindi talaga ang kalooban nila na para tumulong na naapektuhan ng El Nino.

    (Buzz)

    GRACE PADACA: Alam nyo kasi, kahit naman kayo Bojie e, ipagkakatiwala mo ba sa mga mayor na wala ng ibang ginawa kundi salbahiin ka bilang gobernador ang mga programa mo, ipagkakatiwala mo ba sa kanila ang mga bigas na ‘yon right within the critical time. Yon kasi ang hirap. Kasi ang dami sa mga kasama mong mga mayor, na inilalason nyo ang isip na ayaw makipag-cooperate sa akin, ayaw makipag-real property tax remittance sa akin. Can you expect me Bojie na si Pol Dy, ipamamahala ko siya ng rice distribution. E di sinalaula lang niya. Can you expect me to trust Bentot Panganiban na siya ang mag-distribute ng project ni Grace Padaca. Alam mo, makatarungan ako, pero hindi ako *****, ha. Na kaya kung tumulong sa tao, pero hindi ako magpapagamit sa mga taong magtuturing sa akin ng masama.

    (Buzz)

    BOMBO KARINA: I don’t know if, are you going to answer for and behalf Cong Bojie Dy, ng mga mayor na nasagasaan. Mukhang hindi naman ho sa inyo ‘yon, kundi mga mayor naman.

    BOJIE DY: Ang sa akin lamang ‘yong dapat na tamang paraan, kasi meron naman tayong institusyon na mga local government. Kung pagkakatiwalaan mo sila, kasi sila naman yong halal ng ating mga mamamayan sa kanilang mga lugar. At ang maganda nito, kung hinamon siguro ni Binibining Grace Padaca na merong sharing ‘no, mas marami siguro. Kasi may pondo rin naman yong local government unit, may pondo rin naman siya. Siguro mas maganda at malalaman kaagad, makakarating kaagad kung tulong lamang ang pinag-uusapan sa mga naaapektuhan nating mga barangay. Ang problema, hindi man lang niya kasi sinubukan na tinap. Kasi pagka oras ng kalamidad, dapat tama na ang politika. Dapat huwag tayong mamolitika. Pag oras ng kalamidad, dapat sama-sama tayo, tulong-tulong tayo, damayan natin ang mga naapektuhan ng El Nino.

    BOMBO KARINA: I guess, nasagot naman na yon ni governor kanina, di ba governor dahil sinabi mo, hindi mo nga pagkakatiwalaan yong mga yon e. So hindi.

    GRACE PADACA: Sige na, para makarami tayo.

    BOMBO KARINA: Sa ngayon, bigyan natin si Fr Florman ng pagkakataon. Father, ano naman ang gustong itanong sa dalawa nating kandidato ngayong gabi

    FR FLORMAN CABAUATAN: Before asking, Good evening Governor, good evening Congressman, good evening Karina. Smile naman tayo. Habang tumatagal ang sagutan, sana huwag nating kalimutan ‘yong mga Isabelino na mga ka-probinsiya nating nagugutom ngayon, nagkukulang ng medisina, naghihirap sa buhay, dahil kaya nga tayo nandito para sa ating mga kaprobinsiya. So yan lang naman ang aking parang paying kapatid sa mga nag-uusap sa harap natin. Although nagagalak ako na lumalabas sa mga usapang ganito, para malantad ang dapat malaman ng lahat.

    KATANUNGAN NI FR CABAUATAN KAY GRACE PADACA

    FR FLORMAN CABAUATAN: Alam nyo po, Governor, usap-usapan yong maraming table o troso sa capitol. E, ano po ba ang pakinabang ng probinsya na mga Isabelino sa ginagawa po ninyong mahigpit na pagpapatupad ng logging natin dito sa probinsya?

    GRACE PADACA: Unang-una pong pakinabang diyan Father ay yong sa mga magsasaka, kasi nakita naman po natin ang epekto ng tagtuyot sa produkto ng mga nagtatanim ng palay at mais. At kapag tayo naman ay binabagyo, yong palaging pagbaha, kasi nga nawala na yong mga root systems ng ating mga punongkahoy sa Sierra Madre. Yan ang unang pakinabang. Ngayon kung ang tinutukoy nyo Father ay yong tungkol sa mga na-confiscate na logs, alam nyo po kasi nasa batas na hindi ko po sakop ang disposal nito, kundi ang DENR. Sila po ang magse-set ng auction, sila po ang magbebenta nito. Pero nagawa ko pong hilingin, alam nyo po Father, yong perang pagbebentahan, dapat din daw sa DENR. Kahit kami ang nakahuli, kahit kami ang gumastos, DENR dapat pupunta. Pero napakiusapan ko po si Secretary Reyes dati, at saka si Secretary Atienza later na please lang naman, na gastusan po namin ‘yong pag-operate ng Task Force, pwede bang ang proceeds na ‘yan ibalik nyo sa amin, para mai-continue namin na i-operate ang task force. So ganoon po ‘yon. Meron ng naunang auction at nakabenta po ng P6 million. Nasa coffers po ‘yan ng provincial government. And then, meron pa po, ang dami-dami sa gym. Kakailanganin po niya ng 180 ten-wheeler trucks, Father para lang mai-transport lahat ang mga ‘yon. At ‘yon din po ay up for sale, mineasure na ng DENR, pati rin ang COA, mas gusto nila ng complete list. Yon po ang ginawa namin before the DENR ay makapag-auction po uli.

    (Buzz)

    KATANUNGAN NI FR FLORMAN CABAUATAN KAY BOJIE DY

    FATHER FLORMAN CABAUTAN: Thank you, Governor. Natanong ko dahil isa sa pinakamainit na paksa sa buong mundo ngayon ay tungkol sa climate change, kasama na yong environmental concern na salamat naman at nagagawa nyo at inaasahan naming mapagpapatuloy. Pwede bang mapunta naman kay Cong Bojie Dy ang aking tatanungin. E, total ang itatanong ko naman – may pag-asa pa ba o may paraan na ang koryente na nanggagaling sa ating hydro ay bumaba naman ang singil kung ang mga taga Isabela ang gumagamit

    BOJIE DY: Unang-una po sa lahat Father, hindi na po natin kontrolado ang presyo, bagama’t ngayon ay, balita ko ay privately owned na ng Aboitiz at hanggang ngayon ay meron pa ring dispute kung saan pupunta ‘yong mga taxes na nakukuha rito. Pero ganoon pa man, alam po naman natin na ito’y dumadaan pa po sa main transmission line, bago po maibalik. Sayang po, Father hindi lang po sana Magat Dam, pwede po tayong mag-tap sana ng ating mga resources, balita ko po dito sa bayan ng San Mariano, iyong maliliit na hydroelectric na potential, o di kaya gagawa tayo ng mga renewable na energy na para sa ganoon ay ito po ay makatulong sa ating mga local electric cooperative. Alam nyo po, dito nga po sa ating lalawigan ng Isabela ay kailangan na kailangan po talaga na mapababa natin ang elektrisidad sapagkat kung gusto po nating dumami pa ang mga investors na nakikita naman natin na talaga pong patuloy na dumadami, pumapasok dito sa ating lalawigan ng Isabela, napakahalaga po, lalong-lalo na na nanggagaling po sa atin ang main source ng koryente dito sa Magat Dam na sana nga mapababa.

    FR FLORMAN CABAUATAN: Natanong ko kasi ito Congressman, dahil sa geothermal ng Tiwi, Albay, meron daw silang benefit na ganoon. Kung saan kinuha yong source ng energy, bibigyan din ng parang sa yong mga pinanggalingan. Kaya natanong ko, meron kaya tayong pamamaraan o pag-asa pa na magaya ring ganoon, bukod pa sa maganda rin maglagay tayo ng alternative sources of energy dahil sa Ilocos Norte yong wind power, solar power, ang dami-daming pagkukunan kung gusto natin e.

    GRACE PADACA: Can I add, informative naman ito. Hindi ko naman dinedebate si Bojie e. Tama naman yong sinabi niya na ito kasi Father, itong Hydro component, hindi pag-aari ng provincial government, kundi pag-aari ng national government. Kaya sila po, pag nagbebenta ng koryente, sa national grid. Pwede lang po tayong makinabang, maybe not directly sa pagbababa ng koryente, kasi they in turn sell it to the electric cooperatives. But meron pa tayong pakinabang in terms of sales taxes. Alam nyo po pag nagpunta po kayo sa Ramon, marami silang projects doon – pinapagawa yong kalsada nila, yon yong nagbibigay ng Resolution. Since we are in Isabela are the host of the hydro power plant, alongside with Ifugao, nakaka-receive tayo ng share ng sales tax, ng national wealth. So yon po ang pwedeng gamitin na halimbawa po ayusin yong irrigation canals na lang, kung pwede. Kaya lang may mga complications po ito, kasi hindi lamang provincial government po ang may sakop dito e, at hindi nga actually e, yes pati Ifugao.

    PAREHONG KATANUNGAN NI FR FLORMAN CABATUAN SA MAGKATUNGGALI

    FR FLORMAN CABATUAN: Sa kanilang dalawa, kasi magmula pa noong bata ako e, narinig ko na ‘yong mga magsasaka. Maganda ang ani, pangit ang ani, bumababa lalo ang presyo ng kanilang ani. Ano ba ang nakita nyong magagawa natin ng paraan pa ba ito o hindi na.

    GRACE PADACA: Yes, Father. Kaya nga po ‘yong una kong ginawa at iyon pa rin ang aking number one priority ngayon, that there should be some sort of intervention, hindi yong complain na lang ng complain ang mga magsasaka, ipangutang nila lahat, tapos pagdating ng ani ay masama. So, may intervention po kami na ginawa na dinadagdagan nga naming tuwing anihan ang presyo ng NFA para po tumaas. Ngayon po, binigyan namin ng pera ang NFA para yong P12.70 na presyo nila bawat kilo ng mais, maging P14.00 kada kilo. Totoo na hindi nila mabibili lahat, because NFA only gets 10% of the production. But it somehow, ito po’y itinataas niya na, naiimpluwensiyahan niya pataas ang presyo din po ng mga traders. I wish I could explain more, pero walang time.

    (Buzz)

    BOJIE DY: Para po sa akin Father, unang-una talaga, alamin natin kung anong problema ng ating farmers, magmula pa lamang sa land preparation, yong tulong nating suporta sa ating mga inputs. Lahat po dapat konektado yan para lalo po nating mapalakas. Kung kahit kelan mababa ang presyo, kung mababa naman po ‘yong ating mga inputs ay malaki pong tulong. Ang amin pong programa ni Cong Rodito Albano ay Price Support Program. Katulad po sa bansang Thailand na ginagawa ngayon. Kung halimbawa po, ang prevailing price ay P17.00 at P14.50 lamang po ang pagbili nito, ang diperensiya po nito, yong P3.50 ay kaagad ipapakita lamang po ‘yong resebo ng ating mga farmers kung saan po nila binenta yong produkto nila, maging mais o maging palay, diretso po na babayaran ang diperensiya na kaugnayan natin, na kasama natin ang Department of Agriculture, ganoon din po ang provincial government.

    (Buzz)

    FR FLORMAN CABATUAN: Thank you very much Governor. Thank you very much Congressman. Sana po ay sa lahat ng mga tumatakbo sa politika, sana tulungan kayo ng ating Panginoon na maliwanagan, lalo pa ang inyong mga mithiin, bigyan kayo ng kalusugan ng pangangatawan, dahil kailangan, at sabi ko nga sa aking mga sermon sa aking parokya sa Tumauini, alam nyo mas marami ang magluluksa pagkatapos ng election, dahil mas marami kasing kandidatong hindi mananalo e. So sana naman huwag hong ganoon. You all tried to serve our people and for that we are very grateful, we are very proud. Siguro sabi ng Panginoon, hindi mo pa time ngayon o tama na, or whatever. Sabi nga, let the will of the Lord be done. So good luck sa inyong dalawa, and may God bless you!

    BATUHAN NG TANONG NG DALAWANG MAGKATUNGGALI

    KARINA ZOBEL: Dalawang kandidato magtanungan sila. Sino kayang maunang magtanong. 2 minutes po ang pagsagot ng sasagot ng katanungan. Sinong maunang magtanong? Mauna si Governor Grace Padaca.

    KATANUNGAN NI GRACE PADACA KAY BOJIE DY

    GRACE PADACA: Bojie, curious lang ako. Dati ko ng alam na tuwing election ay may “Karadap” team kayo tuwing gabi para bumibili ng boto. Actually, hindi lang tuwing bago yong election e. Kahit ngayon nga, ang dami-dami nyong binibiling boto e. Andami-dami ninyong binabayarang mga kapitan, kagawad. Sabi ko, kahit sinong masalubong nyo yata, binabayaran nyo. Dati na ninyong ginagawa ito, pero ngayon taking-taka ako, sobra ng daming pera ninyo. Saan galing? Kay GMA ba, kay Villar? o sa jueteng ulit o saan ba talaga? Na para pag nanalo kayo, kayo na naman ang gagamit sa sapat na pondo ng kapitolyo, kaya yon na lang ang laging tinatarget nyo.

    BOJIE DY: Binibining Grace, hindi ko maintindihan ang mga paratang mo. Una, sinasabi mo mahirap na mahirap kami at kaya kami naglalaway sa pondo na P1.1 billion. Ngayon, sinasabi mo ang dami-dami naming pera. Hindi natin maintindihan kung ano ‘yong talagang malinaw na statement mo, na sinasabi mo mayaman, sinasabi mong mahirap. Tapos ngayon, kung meron kang katibayan. Kung meron kang katibayan na kami ay namimili ng boto, kung ano pa yong mga paratang mo sa amin, dapat ilabas mo lahat yan. Meron namang tama at tamang lugar na masabi, pwede naman kaming paylan ng kung ano mang kaso. Ang hirap Binibining Grace, hindi nyo nakikita ‘yong mga nasa likuran mo. Na katulad sa bayan ng Gamu, sa bayan ng Luna. Alam mo madaling magparatang e. Mahirap namang, dapat patunayan mo naman yong mga paratang mo. Ang hirap, nalilinlang mo’yong kaisipan ng ating mga mamamayan. Dapat sana, meron kang basehan o meron kang ebidensiya bago ka sana magbintang ng kung anu-ano.

    GRACE PADACA: Ok, pwede akong sumagot na.

    BOMBO KARINA: Follow-up question na po ‘yan.

    GRACE PADACA: Ok. Madaling magparatang ‘kamo, pero madali rin namang mag-deny di ba? Di tingnan na lang natin yong mga kapitan na inuutos-utusan nyo, yong mga tanod na pinatatawag ng mga tao para bigyan ng pera. Alam mo, kung sinasabi mong 1,018 ang barangays natin, at kahit na siguro kalahati lang doon sa mga kapitan na yon ay ginagamit nyo, para magbili ng boto o kahit ilan lang sa mga mayor, maka 500 ng tao ang nakakaalam Bojie e. na yong mga pera na ano, binabayaran nyo. Hindi mo made-deny yon, ang daming mga nagsisilabasan, P500, P200, kagawad, tanod, kapitan. Bawat makasalubong nyo na lang talaga siguro’y binabayaran nyo at kahit na mag-deny ka, yong mga inuutusan nyo alam nila na denial king ka.

    (Buzz)

    BOJIE DY: Binibining Grace, hindi ho namin dini-deny, kundi wala po talagang ganyang pangyayari. Ang akin lamang po, Binibining Grace, sino ho ba ang naghahabol na magbigay ng mga P20,000 financial assistance sa mga kababaihan kung kelan huli na, kung kelan malapit ng mag-umpisa ang halalan. Sino po ba ang namimigay ng tagpi-P50,000 kada barangay na dapat matagal ng ibinigay. Kung talagang nasa puso nyong magbigay ng mga assistance o mga projects sa ating mga barangay, dapat pa bang paghintayin yon ng tatlong taon. Di ba dapat noon pa lamang ay inabot nyo na at binigay nyo na ng mga programa ang ating mga nangangailangan na mga barangay. Kung kelan malapit na ang ating halalan, saka kayo nagre-release ng mga ganito. Yan ang tinatawag na indirect vote buying.

    (Buzz)

    GRACE PADACA: Bogie, tanungin mo din doon sa mga kapitan na ‘yon kung ngayon lang ako nagbigay. Yon ay para lang sa 2010. Kasi nabigyan ko na sila ng 2009, ng 2008. Hindi naman ngayon lang ako nagbigay. Nabigyan ko na sila ng 2007, 2006, 2005. Yon ang regular course ng aking Ugnayang Bayan. So, tama lang, right on schedule lang na nabigyan sila. Yong mga kababaihan, dati na rin akong nagbibigay at hanggang makakayanan, e di magbigay sa kanila ng tulong sa kanila. Hindi lang ‘yong parang pinalalabas mo kasi na ngayon lang ako nagbigay sa kanila dahil election na. Hindi a. Kasi ang aking Ugnayang Bayan is an instutionalized program of the provincial government na hindi lang ngayon na ginawa. You should know that.

    (Buzz)

    BOMBO KARINA ZOBEL: Now, it’s time for Cong Bojie Dy para magtanong naman kay Gov Grace Padaca

    KATANUNGAN NI BOGIE DY KAY GRACE PADACA

    BOJIE DY: Kung talagang hangad mo ay tumulong sa ating kalalawigan ng Isabela, katulad sa ating mga magsasaka na meron kang binibigay na pondo na P7.7 million subsidy para sa NFA. Tama ba?

    GRACE PADACA: Oo, oo

    BOJIE DY: Bakit P7 million lamang, e meron tayong P1.1 billion na naitabi sa ating lalawigan ng Isabela. Siguro mas mayaman pa ang ating lalawigan ng Isabela kung ito lamang ay na-invest sa tamang mga programa ng ating lalawigan. Alam mo, kailanman hindi ko narinig na nagpatawag ka ng Provincial Development Council na upang sa ganoon, malaman mo kung ano ‘yong mga priority development projects ng iba’t iba nating mga bayan, at ganoon din ang ating mga bara-barangay. Kung talagang namimigay ka ng mga proyekto, bakit iilan lamang at bilang na bilang sa iba’t ibang mga bayan. Bayan ng katulad ng Gamu, bayan ng Roxas, bayan ng Luna, bayan ng San Manuel, bayan ng Burgos. Ito yong mga kasama mo at kaalyado mo. At bayan ng Jones. Kung hindi mo kasama, hindi mo nabibigyan o naaabutan ng mga projects na pangangailangan. Remember itong ating mga mamamayan ay buong panlalawigan ng Isabela na dapat itong pondo na ginagamit para sa kanilang nga priority projects. Sa araw-araw na ginawa ng atin pong mahal na Panginoon, isang oras ka sa radyo, sa umaga, isang oras ka sa radyo sa hapon sa replay, bakit Never mong binanggit na meron tayong P1.1 Billion na Time Deposit sa Development Bank of the Philippines?

    GRACE PADACA: Doon sa sinasabi mong bakit yong mga bayan lang na yon ang aking binibigyan ng tulong. Hindi. Bakit hindi mo ba alam na binigyan ko rin sa Echague, meron akong MOA with Mayor Kiat. Hindi mo rin ba alam yong aking project sa Delfin Albano, sa Divilacan, sa Maconacon, sa Angadanan. Sa Angadanan mismo sa Viga region. Sa Aurora, sa San Mateo, sa Ramon. Yon, yon meron akong mga projects na hindi mo lang gustong tingnan. At iyong sinasabi nyong P1.1 billion savings, saan nyo ba talaga kinuha yon. In the first place, kailangan mong i-explain sa akin kung saan nyo nakuha ‘yon. Dahil as of 2 days ago, meron kaming balances sa bangko na P1.8 billion. Ngayon, yong perang ‘yon ay lahat yon ginagamit na para sa operational funds – pambayad sa sweldo, pang-operate ng hospital, pang-infrastucture projects. Meron ding sinasabing prior year obligations. Alam mo naman pag nagpa-project ka, babayaran mo lang sila kapag na-accomplish na nila yong kailangan nilang i-accomplish. So itong mga perang ito nakalaan na pambayad sa mga projects. Mga operational funds ito. Yong iba pambayad din naming sa ano, nakalaan sa mga pambayad namin sa mga utang ng mga kapatid mo. Yong mga natitira pang mga utang. Hindi ito sekreto. ‘Bat ko naman isesekreto? Kung sekreto, e hindi mo nalaman, di ba? Papaano mo masasabing sekreto ‘yon, hindi naman itinatago dahil kung nakatago yan ay kahit, hindi nyo malalaman, kahit sinong Isabelino alam po nila yan. At yon nga, bukod sa lahat ng ito nagagawa namin ang mga basic services na para sa mga Isabelino at hindi na bankrupt ang kapitolyo.

    (Buzz)

    BOJIE DY: Ang Time Deposit ay maliban doon sa iyong sinasabi na Allocation na pondo para sa taon-taon na ginagamit. Naka Time Deposit maliwanag yan. Kasi pag tinaym deposit mo, may araw ng maturity nyan. Hindi mo pwedeng galawin yon yong inyong pondo. Pero ganoon pa man ‘no, katulad ng binabanggit mo, ang utang ng mga Dy ang iyong binayaran. Unang-una po, hindi utang ng mga Dy. Utang ng ating provincial government na inalaan sa 1,280 classrooms, sa apat na district hospitals, sa atin pong provincial hospital at sa mga kalsadang napagawang konkreto. Alam mo, ang pananaw ni Gov Junior Dy noon, habang mababa ang presyo ng ating materyales, kaya naman ginawa kaagad upang tugunan at mabigyan ng de kalidad na edukasyon ang ating mga kabataan.

    (Buzz)

    GRACE PADACA: Alam nyo, yong sinabi mo na mga ipinangutang, panahon yon ng election e. Kaya nga naabutan ako e. Kaya nagmadali sila noong 2004 na gumawa ng mga projects kasi wala sa isip nila na kayo ay matatalo ng isang katulad ko lang. E, kaso nga natalo kayo, kaya ako na ‘yong nakaabot, kasi fresh na fresh yong mga kontrata nila sa mga utang. Kaya nga, kaya ngayon ipinatayo nga, yong mga hospital nga minadaling ipatayo, ni hindi nila kinausap yong may-ari ng lupa diyan sa Cabagan, I think sa Roxas pa. Patayo na lang ng patayo ng walang nirespetong ano, kaya ako lahat ang nagmana ng problema na ‘yon. Kailangang bayaran lahat sila, otherwise ay aalisin nila ‘yong mga hospital sa ating pamahalaang panlalawigan.

    (Buzz)

    BOJIE DY: So ang ibig sabihin ni Binibining Grace, na yong mga inabutan mo na sabi mo minamadali dahil election year, so yong 1,280 classrooms nagawa ng election period ng 45 days. At yong apat na district hospital ay nagawa rin ng 45 days, during elections sabi mo. At ganoon din ang ating provincial hospital at ganoon din yong mga konkreto. Aba’y napakabilis na trabaho noon para sabihin mo na pati, ibentang mo muli sa pamumuno ni Governor Dy. Itong nagawang mga school buildings at ang ating provincial hospital, unang pag-upo pa lang ng 2001, ay ginawa na kaagad, inumpisahan na, na bigyan na ng mga classrooms ang ating iba’t ibang nating mga barangay.

    (Buzz)

    GRACE PADACA: Pwede mong makita ang records mo Bojie, kasi a year before that na naka-project na sila sa election, doon nila pinagkokontrata ang mga utang sa bangko, at hanggang ngayon, kahit na pwede naming bayaran ay naka-schedule yan ng so many years bago mabayaran. And of these more than P500 million na utang sa bangko, P200 million kaagad ang interest. Kaya nga noong dumating ako dito, hindi ko na ipinangutang pa ang lalawigan ng Isabela e. Hindi naman ako interesado sa komisyon. Hindi naman ako interesado sa kurakot. Malaking katipiran yon, kaya merong pera ang provincial government dahil maayos ang bidding ng projects, hindi nila kailangang magkaroon ng overpricing at hindi kailangang ipangutang para magbayad ng malaking interest.

    BOMBO KARINA: Merong patutsada na naman doon at saka tanong nyo ‘yon, 1 minute lang po, congressman.

    BOJIE DY: Katulad ng sabi niya, kinurakot na hindi kinurakot. Meron kang pagkakataon noong 2004 noong naupo ka. Na nag-hire ka pa ng mga private auditors para himay-himayin at isa-isahin ang lahat ng transaction nang nakaupo si Gov Junior Dy at ganoon din si Gov Ben Dy. Meron ka bang nakitang mga anomalya na transaksiyon o di kaya mga overpricing na sinasabi mo, o di kaya’y Cut na sinasabi mo. Binibining Grace, nandito tayo para magsabi ng katotohanan.

    GRACE PADACA: Oo naman

    BOJIE DY: At hindi tayo dapat manlinlang ng ating mga kaisipan ng ating mga mamamayan.

    GRACE PADACA: Meron silang binayaran na

    BOJIE DY: At sinabi mo kanina. Hindi pa po ako tapos Mam

    BOMBO KARINA: Sandali po, Governor

    GRACE PADACA: Ok sorry

    BOJIE DY: At sabi mo kanina, na during election period na habang kino-construct, ngayon 1 year before na. Ano po ba ang totoo?

    GRACE PADACA: Yong mga bank loans na ‘yon ay kinuha para noong na-release ‘yon, it was on time during the election period noong kino-construct na. But don’t evade the issue. Yong sinasabi mo na, anomalya. Meron silang binayarang kompanya ng P30 million na walang delivery, na nasaan napunta ang P30 million na ‘yon na hindi nila nai-deliver sa provincial government, yong dapat i-deliver nila.

    BOJIE DY: Meron naman po tayong dapat na korte na humarap diyan, Binibining Grace Padaca. Kayo po ang dapat naghain kung may nakitang may ganitong anomalya. Bakit, ano pong ginagawa? Katulad po nitong pagto-tolerate nyo na sinabi nyo na may nag-forge ng pangalan nyo sa pagbibigay ng permit sa mining concession o dili kaya’y nickel mining diyan sa bayan ng Dinapigue. Alam ko naman na kagustuhan nyong sirain ng tuluyan ang pamilyang Dy, imposibleng hindi ninyo i-file ang kaso, kung talagang may nakita kayong anomalya na habang nasa ilalim o sa pamumuno ng kapatid kong si Gov Ben Dy at ganoon din si Gov Junior Dy. Sino po ba ang may mga problema sa COA, sino po ba ang mga may mga kaso sa Ombudsman, di ba po? Imagine, ang isang

    GRACE PADACA: Ombudsman. Kayo lang naman lahat ang nag-aano e, nagsasampa e, bago kami maglaban ni Ben Dy sa 2007 elections. Pinaspasan nyo akong sampahan ng kaso sa Ombudsman. Ang sabi ko, ang kakapal naman ng mga ito. Sila ang kilalalang nagsasamantala sa pondo ng pamahalaan, sila pa ang ano, sila pa ang may ganang magsampa ng kaso. Common, kayo nga diyan e. Kasi marami kayong bayarang abogado. Marami kayong pwedeng di pindot na kung anong gusto nyong sabihin ay sinasabi nila. Meron kayong maraming kakampi sa piskalya. Kaya nga pati yong aking anti logging campaign ay nabubulilyaso dahil yong dati ninyong provincial lawyer, e talagang harang ng harang. Kahit na nga siguro drug addict pahihintulutang makalaya para lang makakutong and at the same time, sirain ang aking mga programa. Kasi yong sa dynasty nyo, napaka well-entrenched ang iyong mga tentacles e, na talagang ang hirap, ang hirap labanan na kayo pa yong nangbabaligtad. Kayo pa ngayon ang nagmamalinis, samantalang you have a whole long history of corruption.

    BOMBO KORINA: Yes, congressman. Siguro last na ‘yan no. 1 minute at kung gustong sumagot ni Gov Grace, 30 seconds na lang, at kung sumagot kayo ulit din mamaya, 30 seconds na lang

    BOJIE DY: E, di kasi pinag-uusapan dito na meron lang daw impluwensiya ng pamilya o mga lawyer namin na para magsulong o magsampa ng mga kaso. Nakakapagtaka naman, dapat may basehan e. Na kung merong mga anomalya, may basehan, merong basehan na bakit hanggang ngayon, di napapa-dismiss. Kung wala silang basehan, bakit hanggang ngayon nakabinbin ang mga kaso laban sa ‘yo, o dili kaya’y baka ikaw naman ang merong koneksiyon diyan sa COA o sa Ombudsman na kung bakit hanggang ngayon hindi nabibigyan ng mga desisyon yong mga kaso at reklamo sa ‘yo, dahil ito base lamang sa mga COA at may mga ebidensiya laban sa mga anomalyang nangyayari habang ikaw nanunungkulan bilang gobernador ng ating lalawigan ng Isabela.

    GRACE PADACA: I assure you Bojie, hindi ako marunong lumaro ng maruming laro nyo – na yong sinasabi nyong bat hindi ko kayang ipa-dismiss, kasi wala akong mga kaibigan sa Ombudsman. Walang akong kaibigan sa COMELEC na pwede nyong bayaran para baligtarin ang desisyon ng COMELEC na ako pa, ako pa yong mandaraya sa inyo. Ano e, iyan ang ibig sabihin kasi ng dynasty e, kayang-kaya nyo ang mga maling paraan.

    BOJIE DY: Natatawa lang ako. Si Binibining Grace Padaca, ayaw kasing tumingin muna. Tingnan niya muna sana ang sarili niya. Dahil panay ang banggit niya ng Dynasty. Sino ba ‘yong mga nasa likuran mo? Sino ba yong mga kakampi mo, di ba? Tumatakbong Vice Governor, tumatakbong congressman, bayaw niya tumatakbong mayor sa bayan ng Roxas. Isang mayor ang tumatakbo, tumatakbo rin ng board member. Dito rin sa ikatlong distrito isang congressman, isang mayor, isang konsehal.

    (Buzz)

    GRACE PADACA: Papaano naman po yong mga dynasty ng kapatid mo, congressman, yong asawa niya mayor, yong anak niya bise mayor. Yong best friend nyong Berdugo na ulbod, na si Bentot Panganiban, yong asawa niya Mayor, yong asawa niya Bise Mayor. Yong sa San Mateo, anong masasabi nyo doon? Tingnan na lang po natin ang pagkatao ng mga ito.

    BOJIE DY: So para pala po sa ‘yo, Binibining Grace Padaca, Ok lang pagka kaalyado mo’t kasama mo. Hindi mo sila laitlaitin. Pero kung kasama at kapartido at kasamahan ng mga Dy ay grabe, ganoon na lamang ang pagtingin mo na talagang nilalait mo ang pagiging dynasty.

    HULING KATANUNGAN NI BOMBO KARINA KAY GRACE PADACA

    BOMBO KARINA ZOBEL: May question po ako, kasi kanina pinag-uusapan po ninyo ang tungkol sa hospitals, ganyan mga project. Now, this reminds me of the controversy during the time, My question is – for Governor Grace Padaca. During the time of the former Governor Junior Dy, yong health card before at saka yong proyekto niya may kaugnayan sa mga hospitals na during that time, merong binabayaran ang mga mamamayan na minimum of P100 yata, pati yong mga empleyado. Ang naging kontrobersiya noon ay sinabi na parang private yon, so merong opposition doon. Nonetheless, kung ang ordinaryong mamamayan noon ang tatanungin mo, ay parang natuwa sila because nakita na may pagbabago sa serbisyong pangkalusugan sa probinsya ng Isabela dahil gumanda nga ang mga hospital, wala ka ng maririnig noon na bibili ka ng gamit mo pagka nasa hospital ka, at may sapat na supply ng gamot. That was the situation before that we all knew in Isabela. Although meron ngang controversy behind. Pero among masang Isabelino, I believe that they appreciated that. Ngayon, sa pamumuno mo ngayon Governor Grace Padaca, bumalik ang mga reklamo na yan – pag pumunta sa mga hospital, walang gamot, walang gamot, walang doctor, na yon ay mga issues na dati kinakaharap ng probinsiya ng Isabela during the time of former Gov Benjamin Dy. Papaano nyo yan sasagutin sa mga mamamayang Isabelino

    GRACE PADACA: Karina, kasi yong sinasabing libreng mga gamot noon under the Jun Dy administration, if you remember, parang naging palengke yong mga hospital dahil sinamantala din naman ng ilan ‘yong sinasabing libreng gamot. Kahit tanungin nyo ang mga doctor na nagsasabing para silang naging botika na lang na dahil may libreng gamot, doon pumpunta yong mga tao na para lang makinabang na hindi naman kailangan at nai-expirean na lang o kaya ay ibinebenta. Hindi naman magandang programa ‘yon. Dito sa sinasabi na walang gamit, walang doctor, napaka generalize naman ang statement na yon, Karina. Iyong paulit ulit na sinasabi nina Bojie at Rodito na walang bulak, parang napakadaling sabihin na parang walang nangyayari, pero hindi rin naman nila nakikita yong lahat ng aming mga ginagawa, because from 2004 to 2009, P209 million ang binili naming mga medical supplies na para sa mga mamamayan, at saka 11,000 last year lang ang na-confine sa provincial hospital lang na nakauwi naman ng matiwasay at nagamot naman. Kaya ano kaya yong sinasabing walang bulak, walang gamot na pag pumunta kayo sa aming mga Pharmacy ay makikita nyo naman na nandoon ang mga gamot. So sabi ko nga, kung mayroon mang nagrereklamo, ewan ko, sila Bojie lang naman ang nagsasabi, hindi pa naman sila nagpupunta sa hospital. Ginagamit na lang yong feedback ng kanilang mga tao. And if ever, na may makarating sa inyo, we need to get the details kasi nga ay nandoon ang aming mga supplies, and not just supplies kundi mga capital outlay pa. Bulak lang ba, hindi namin mabili. Karayom lang ba hindi namin mabili. Masyado namang exaggerated yong mga ganoong feedback na parang sobrang masama na, samantalang ang lahat ng naabutan naming hospital, primary ang accreditation. Ngayon ay naging secondary na ang accreditation ng mga hospital na ito.

    FOLLOW-UP QUESTION NI BOMBO KARINA KAY GRACE PADACA

    KARINA ZOBEL: Ok, governor. Follow up question ko po doon sa sagot nyo po ano. Yong question ko, I did not base it sa narinig ko kina Cong Bojie Dy or anumang grupo. But it’s a feedback that we, in Bombo at ordinaryong mamamayan o kaya journalist can pick it up. Dahil Cauayan District Hospital, nandito lang, malapit lang, at meron tayong nasasalubong diyan, may mga pumupunta rito na ganoon nga ang experience nila. I don’t think naman siguro na pinadala yon ni Cong Bojie Dy o sinuman. As Governor, namo-monitor nyo po ba talaga kung papaano. You’re providing figures of Allocations for those, pero yon nga po, ang comparison ko lang, kung may konting problema before, hindi ho kaya yon na lang ang inadress nyo, yong proper dispensing of medicines na hindi yong pupunta lang doon dahil libre. Pero yong panuntunan na libre talaga na mararamdaman ng mamamayang Isabelino na mayroon talagang government hospital that can attend to people who don’t have money na pumunta sa private hospitals.

    GRACE PADACA: Yeah, I still maintain Karina na thousands upon thousands pa rin yong aming naseserbisyuhan na gumagaling. It cannot be a perfect situation dahil merong mga administrative problems diyan. Halimbawa dito sa Cauayan District Hospital. We had a lot of problems sa aming Chief of Hospital noon na si Dr Oscar Caballero na laging kinakausap siya ni Paul Fernandez kasi siya ang namamahala dito. Kasi panay na lang na dito sa Cauayan District Hospital yong mga reklamo. Sabi nga namin, pinakamalapit pa sa Bombo kung saan sila madaling magreklamo. Nabigyan namin ng napakaraming pagkakataon si Dr Caballero para pagbutihin naman, pero noong talagang hindi niya talaga makaya yong sitwasyon, I was constrained na ilipat siya ng assignment para mag-take over si Dr Valdez at sa mga sandaling ito ay nai-improve nila yong administration ng hospital. Meron din kasi yong iba na ano e, na may nasasabotahe talaga para masira lamang iyong aming ginagawa.

    HULING KATANUNGAN NI BOMBO KARINA KAY BOJIE DY

    BOMBO KARINA: Para naman kay Cong Bojie Dy ang aking katanungan. Kanina po ay kinukwestiyon nyo po ang tungkol sa Savings ng capitol. Now, ano ba, sabi naman ni Gov Grace Padaca na maraming utang noon ang provincial government. Although nasabi nyo nga those were projects before. The question is: If there’s indeed P1 billion plus, P1.8 billion, did I hear it right, Governor?

    GRACE PADACA: Bank balances yon Karina, hindi yon savings. Available funds, pero naka-earmarked din yong iba sa mga projects at sa mga ibang expenditures

    KARINA ZOBEL: Yon kasi very common na tinatanong dito. Kung sa inyo pong pananaw, anong mas maganda, meron bang available funds doon na could be used for anything or mangutang lang ang probinsya para lang magkaroon ng mga proyekto.

    BOJIE DY: Unang-una, katulad ng sinabi ni Binibining Grace Padaca, bank balances. Di ibig sabihin, nandiyan na yan, di ba yang P1.8 billion. Tayo ay tumatanggap, ang provincial government at ang local government ay tumatanggap ng pondo kada quarterly. Galing yan sa tinatawag nating Internal Revenue Allotment. So first quarter pa lamang, meron na tayong P1.8 billion. Ang ating total na pondo lang ngayong taon, kundi ako nagkakamali, more or less P1.4 billion. So meron pa tayong parating ng pang-second quarter, pang 3rd quarter, pang 4th quarter. So yong sinasabi ni Binibining Grace Padaca na hindi savings ‘to, ito’y balanse, ito’y talagang tinatawag nating tinaym-deposit ng ating provincial government. Kaya alam mo, balikan ko na rin yong sinasabi ni Binibining Grace Padaca na ‘yong mga na-construct na mga school buildings, hospital, may makikita natin na merong comparison na e. Na yong panahon ni Gov Junior Dy at ni Grace Padaca tungkol sa hospital, di ibig sabihin nandoon na po ‘yong ospital noon na hindi katulad ng sinasabi ni Miss Grace Padaca na ginawa lang ‘to dahil darating ang halalan. Meron na dating mga hospital na mga bagong district hospital. Yan lang po ang pagpapatunay na talagang, ay hindi ko po alam kung ano po ang dapat maintindihan sa sinasabi ni Binibining Grace Padaca na mali na naman ang kanyang bentang na ito’y nira-rush bago lamang umabot ang ating halalan, subalit ayn meron ng district hospital bago pa lamang dumating ang sinasabi niyang 2004 elections.

    GRACE PADACA: Puro bago ‘yon Bojie, Yong lahat ng mga luma, yong Cauayan pinalitan, yong Roxas pinalitan, yong Cabagan, pinalitan lahat. Ang hindi lang nila pinalitan yong provincial hospital nab ago umalis yong kapatid mong si Ben Dy ay ipinangutang niya ng P150 million na hanggang ngayon ay binabayaran pa ng provincial government, pero palpak yong pagkakagawa. Yong pagkakagawa ng mga emergency rooms. Ang ilan pa sa mga pinagkakagastusan namin, yong mali-mali e, na pagkakagawa ng Isabela Provincial Hospital. At ewan ko ba, bakit ba kating-kati kayo doon sa available na pera ng probinsiya na para bang. At least, nandiyan yong pera o, hindi ko kinurakot, hindi nawawala. At yan, I maintain na ito ay every year kung meron kaming mga extra funds because of the IRA differentials, at sa aming prudent spending at sa aming mas mataas na koleksiyon kaya palaki ng palaki yang perang yan at marami pang nagbibigay ng mga tulong e, nandiyan yan para magamit sa major project.

    CANDIDATE BOJIE DY: Alam mo, yong P1.1 billion na Time Deposit, kung ito’y nai-invest lamang sa ating agrikultura, katulad ng sinasabi mo sa NFA, na kung P7 million lamang ang binigay mo pang-subsidy, pwede mo pang higitan doon na para mas maraming matulungan tayong mga farmers. Pangalawa, kung na-invest natin sa mga school buildings yan, sa mga facilities, sa mga kagamitan, siguro mas mahusay at mas magagaling ang ating mga kabataan ngayon. Kung prinovide natin yang P1.1 billion na yan, nilagay sa mga kalsada, karagdagang irigasyon, mga water impounding, siguro mas masarap at mas maginhawa ang kabuhayan ng ating mga mamamayan. Siguro mas malakas ang ating local economy, kung itong P1.1 billion ay na-invest sa tama at karapatdapat na programa para tugunan ang mga pangangailangan ng ating lalawigan ng Isabela.

    PANGHULING MENSAHE

    FR FLORMAN CABAUATAN: Inaasahan po natin na ang mga magkakatunggali ay hindi lang magkakatunggali, magkaibigan ho tayong lahat. Dahil iisa lang naman ang ating ipinaglalaban, ang progreso ng probinsiya ng mga taga Isabela ay sana mabibiyayaan at tulungan natin dahil ang Isabela po, kung hindi ako nagkakamali, pinakamalaking OFW ang Isabela e. Ibig sabihin, walang kabuhayan dito sa atin. So to you Governor, to you Congressman, we wish you all the luck and we pray for you na kasangkapan kayo ng Diyos sa pamamagitan ng boto ng tao na makapagsilbi ng mabuti, makatulong ng husto para sa kabutihan hg probinsiya ng Isabela. Good luck to you and God bless!

    CANDIDATE BOJIE DY: Unang-una po sa lahat ay gusto ko pong magpasalamat sa himpilang Bombo Radyo, Karina thank you very much. And of course, kay Fr Cabauatan. Salamat din po sa ating kaharap dito ngayong gabi, kay Binibining Grace Padaca. Ang pangarap lang naman po namin para sa ating mga mamamayan ay mapaunlad ang kanila pong kabuhayan. Sino man po ay iyan ang ating pangarap sa atin pong mga mamamayan. Unang-una po rito, gusto po natin talagang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan sa atin pong lalawigan ng Isabela. Mahalaga po sa amin na meron po tayong malusog na sambayanan. Pangalawa, mahalaga po sa amin ni Cong Rodito Albano na pangalagaan din ang kinabukasan ng ating mga kabataan. Ang edukasyon na magbigay tayo ng de-kalidad na edukasyon sa atin pong mga kabataan sa atin pong lalawigan ng Isabela. Mahalaga po sa amin ni Cong Rodito Albano na mapagyaman po natin ang agrikultura. Kailangang isa-isahin natin at harapin natin ang mga problema na magbibigay ng kasagutan na upang maiangat natin ang antas ng kabuhayan, lalong lalo na po ng atin pong mga magsasaka. Pangkabukahayan, napakahalaga rin po sa amin ni Cong Rodito Albano na siya naming pinagtutuunan na upang sa ganoon hindi lamang sa palay, mais at iba pang mga produkto, kundi dapat lamang tingnan natin kung ano pa ‘yong iba pa po nating mapayaman sa iba’t iba nating lugar sa atin pong lalawigan ng Isabela. Gusto po namin ni Cong Rodito Albano pag-ingatan natin ang ating kalikasan. Ang ating kagubatan, na kung saan, kami po ay, ang gusto po namin ay No Chainsaw Policy para makatiyak, at i-resettle natin yong mga nakikita naming mga bahay, kasi po pagka pumupunta kami sa ating coastal town, nakikita namin, may mga ilan-ilang bahay diyan na dapat i-resettle para sa ganoon makatiyak tayo na hindi sila puputol ng kahoy at bigyan ng kabuhayan itong mga umaasa dito na ating mga kalalawigan ng Isabela. Ang sabi ko nga, lagyan natin ng mga water impounding ang dapat nating paglagyan para sa ganoon, meron silang ibang hanapbuhay katulad ng magkaroon ng karagdagang irigasyon. Meron po tayong magkalat ng mga isda at ganoon din duck raising, sapagkat napatunayan na po natin ‘to sa ilan nating lugar na ito po’y isang magandang karagdagang kabuhayan. Kung merong mga ganitong mga programa ang ating pamahalaan. Sa amin po ni Cong Rodito Albano, kami po ay naniniwala sa atin pong pagkakaisa. Ito po ang pangarap natin ay atin pong mararating kung tayo po ay magkakapit-bisig, kung tayo po ay muling magkakaisa na maibalik ang pagkakaisa ng ating lalawigan ng Isabela.

    CANDIDATE GOV GRACE: Napakagaganda ng mga sinabi niyang programa, pero bakit sa loob ng 30 taon nila na nasa kapangyarihan at saka yong Albano, 50 anyos, e bakit hindi nila nagawa ito. Siguro paraiso na ang Isabela kung katulad ng Padaca administration na may sapat na pera at hindi utang ang mga dynasty sa nakalipas na 30 taon. Sana nagawa na nila yon. Yong P7 million na sinasabi nilang subsidy sa NFA, yan po ay sa isang anihan lang. Pero ilang anihan na pong napagsisilbihan ang ating mga magsasakang Isabelino. Marami pa, marami pa, kasi po hindi ko kinukurakot ang pera. Nandiyan lang. At nakakatakot na kapag sila ay muling bumalik sa kapangyarihan ay talagang sabik na sabik na naman silang gamitin ito, kaya napaka-desperado nilang manalo dahil si Bogie na ang kanilang huling baraha. Kung matatalo pa sila ngayon, ganap na ang ating kalayaan ng ating lalawigan mula sa nakalipas na maraming taon nila sa kapangyarihan. At ngayon lamang po tayo nakakita ng ganito karaming perang bumabaha sa Isabela, mga napakatinding kasinungalingan ng lahat ng mga taong utos-utusan nila o binabayarang magsalita ng mga kasinungalingan laban sa akin. Desperado silang manalo ngayon dahil kung hindi, wala na silang mapagkukunan pa ng pera sa susunod kung hindi nila mahahawakan itong pinagkakatihan nilang pera sa kapitolyo. Sila at ang pamilya Albano. Magpapagamit pa ba tayo, apo Isabelino? Kusang loob ka pa bang babalik sa kanilang kulungan dahil lang sa kanilang mga kasinungalingan at mga perang binabayad sa inyong boto? Alam ko po, mahirap tanggihan ang pera, pero tanggapin nyo na lang din. Pero automated na ang election, hinding-hindi na nila malalaman kung sino ang inyong iboboto. Kayo mismo ang magpapasok sa computer sa inyong balota kaya hindi nila makikita ang inyong boto para po iboto kung ano ang tama. Malaya na po tayo, huwag na tayong kusang loob o dilat ang mata na magpapakulong muli at magpapaapi sa kanila na mabait lang, masipag lang at matino lang kapag panahon ng halalan.

  5. Helo, good day. May Isang provincial administrator kami dito sa Capitol, Ilagan, Isabela si Atty. Noel Manuel Lopez. bago pong nakaupong PA ng province. Ano pong gagawin namin. Na lahat ng contrata ay tinatago niya sa kanyang opesina. Its been months na po at sabi ng iilan na permahan na po ng Governor. Di rin namin alam bakit nya tinatago ang mga contrata. May mga familya kami at kailangan din namin ng sahod. Pano kami makakasahod kung ang contrata namin ay tinatago ng Provincial Administrator. Maraming din pong mga nurses sa provincial hospital hindi lang din kami, marami, hindi nakakatanggap ng contrata. Putket contractual lang kami. Hindi na namin alam kung saan kami pupunta at sinong may lakas ng loob para tulongan kami sa hinaing namin. Saan na po yong karapatan namin, tinatapakan na ng nakakatakot at makapangyarihang nakaupong politiko.

  6. ang bastos ng PA. parang hindi atty.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s