Kailangan Ba?

Kung iiwan ko man ang Isabela, mayroong mga tumatawag sa akin sa posis yong nasyonal. Hindi lang sa Senado, hindi lang sa pagka-Pangalawang Pangulo. Ang tanong ko ay kailangan ba? Ang dami namang ibang pagpipilian. Sa amin sa Isabela noon ay wala kasing iba. Pero ngayon, sa pambansa, ay marami namang iba. Kailangan pa ba? — Grace Padaca

Kahit sana mas masaya ako sa aking nakasanayang simpleng buhay, iniwan ko pa rin ito, mahigit limang taon na ang nakakaraan, para pumasok sa masalimuot, mahirap at matrabahong mundo ng pamamahala.

Noong una akong kumandidato sa pagka-gobernador ng Isabela, umuwi pa ako noon mula sa aking magandang trabaho bilang isang accountant sa Hacienda Bigaa sa Calatagan, Batangas para mag-file ng aking certificate of candidacy. Disyembre noon at pagkatapos ay bumalik pa rin ako sa aking tahimik na buhay kasi Abril pa naman noon ang kampanya.

Sabi ko, ano ba naman ang 45 araw lang na ibibigay ko sa aming lalawigan para lang may patuloy na lumaban sa mga maling nangyayari. Kahit matalo, ang mahalaga hindi kami sumusuko.

Tanggap ko na baka kailangan pa naming dumaan sa tatlo hanggang apat na eleksyon bago kami manalo, pero sa gulat na ming lahat, tinalo ko ang mga higante sa aming lalawigan, at nagkaroon ng kauna-una hang babaeng gobernador ang Isabela. Nagkaroon ng bagong pangalan sa kapitolyo na hindi na Dy kung hindi Padaca, pagkaraan ng mahigit 30 taon.

***

Taong 2007, eleksyon uli. Ilang araw na lang deadline na ng pag-file ng certificate of candidacy. Muli, kahit umiiyak ako, pinirmahan ko muli ang isa na namang certificate of candidacy para tumakbo bilang gobernador. Hindi puwedeng parang patalastas lang o intermission ang tatlong taon na lumaya kami sa dinastiya at pagkatapos ay babawiin na naman nila ito kung hindi ako kakandidato, lalo na’t naranasan na namin kung paanong ang kapangyarihan pala sa pamahalaan ay napakara ming magagawa kung ito ay gagamiting tunay para sa mga tao at hindi sasarilinin lamang ng mga pulitiko at ng kanilang iba’t ibang pamilya.

Umiiyak ako noon dahil alam ko na kung gaano kahirap ang buhay ng mga gustong tapat na maglingkod. Iyong magtrabaho nang hanggang hatinggabi dahil kung hindi mo ito gagawin ay matatambakan ka ng mga gagawin.

Ang dami kasing gustong pumunta sa iyo, samantalahin ang pagkakataon na sa wakas ay mayroon nang gobernador na deretsang nakakausap ng mga taga-barangay. Sa kaso ko, kinailangan ko ring asikasuhin pati na ang mga taga-ibang lalawigan na nakiusap na ikwento ko sa kanila, ituro kung paanong ang pilay na katulad ko ay nakasipa sa mga makapangyarihang trapo. Sa panig naman ng mga tinalo ko, hindi na nila ako tinantanan ng lahat ng uri ng pang-iinsulto, paninira at pang-aalipusta damay pati nanay ko at pamilya.

Wala na ang tahimik kong buhay. “Bakit ko gagawin na naman ito, alam ko na kung gaano kahirap?” Pero alam ko rin naman ang sagot — dahil kailangan pa. Dahil hindi ko puwedeng talikuran ang aking mga kababayan pagkatapos na iangat ko ang kanilang pag-asa at ang antas ng pamamahala sa ating lalawigan.

***

Malapit na muli ang halalan. Sa lalawigan namin sa Isabela, mayroon naman nang puwedeng pagpilian bukod sa akin na lalaban sa mga dinastiyang sabik at desperado nang makabalik. Dati kasi, wala kahit na isa, kaya ako ang kinaila ngang bumangga. Ngayon ay mayroong isa sa kanila na puwede kong asahan at pagkatiwalaan. Puwede na kaya akong umalis?

Kung iiwan ko man ang Isabela, mayroong mga tumatawag sa akin sa posis yong nasyonal. Hindi lang sa Senado, hindi lang sa pagka-Pangalawang Pangulo. Ang tanong ko ay kailangan ba? Ang dami namang ibang pagpipilian. Sa amin sa Isa b ela noon ay wala kasing iba. Pero ngayon, sa pambansa, ay marami namang iba. Kailangan pa ba?

Puwede po bang tulungan n’yo akong pag-aralan ang bagay na ito? Sana ay malaman ko ang sagot n’yo, sa pamamagitan ng text 0919-353-3222 o sa gracempadaca@yahoo.com. Salamat po.

Source: Padaca, Grace. “Kailangan Ba?” Abante-Tonite, 22 July 2009. http://www.abante-tonite.com/issue/july2209/opinions_kaya.htm. Accessed 27 July 2009.

10 responses to “Kailangan Ba?

  1. Celmer Santos

    Our Country badly needed a Competent, Honest, God Fearing and Service Oriented Leader like you. Please Consider running for President in the 2010 Election.

  2. ilang beses ko na rin pong narinig yung pangalan mo. Maraming postive feedbacks po sa inyo. Kaya lang, ang iniisip ko kasi, kaya niyo na ho bang hawakan ang isang buong bansa na may samut saring problema? na may magulong sistema? mas mahirap ito kumpara sa pamamalakad sa isang lalawigan…

    • Noong una, naisip ko rin yan ngunit noong nakilala ko nang maigi si Gov. Grace sa pag-research sa kaniya, nag-iba ang paningin ko. Natuklasan ko mula sa kaniya na hindi naka-base lamang sa lawak ng pinanghahawakan ang sukatan ng kagalingan sa pagiging isang leader. Oo nga’t national level na ang pinag-uusapan natin ngunit higit na nakikita ko na kaya naging magaling na gobernador si Grace Padaca sa Isabela ay dahil sa kaniyang pag-recognize ng mga problema sa kaniyang kapitolyo, kaniyang political will, kaniyang magagandang desisyon at kaniyang moral leadership. Tama ang letter sa website na ito sa pagsaad ng mga qualities ni Gov. Grace at naniniwala ako rito. Hindi kailanman maikukulong ang isang tunay na leader base sa sukat ng kaniyang pinanghahawakan.

  3. I think she has greater chances of leading the country well because she has proven herself in an EXECUTIVE position — at kawawa rin ang Isabela nang mapunta sa kanya.

    At sa kanya lang talaga panatag ung loob ko. Ung hindi ko iisiping… paano kung nakurakot siya? O paano kung may kumontra sa kanya, ipapatupad pa rin ba niya ang batas? Political will kung political will.

  4. Her desire to serve Filipinos in an honest way is clear from the start of her service as governor of Isabela. But she needs a lot more than desire. Fighting corruption on a national scale requires much more than guts, and I’m sure she knows this. Isabela is just a minute representation of national corruption.

  5. grace, edwin, ando bagong triad ng capitol with supporters anna and marlon

  6. astig nakakapagbigay info talaga!!! promis!! ang korni nga eh!!

  7. you guys from other provinces other than Isabela dont know her so much…wala ng ginawa sa campaign nya sa radios kundi manira….she has the biggest mouth in Isabela…

  8. hi mam grace,alam kong alam mo na makapangyarihan tlga ang pamilyang DY jan sainyo.Go,go,go mam,kaya mo yan.Khit hnd ako tga isabela,ala ko pa rin ang nangyayari jan.Kung botante lng ako jan,ikakampamya kita,coz u’r really good leader.SALUDO AKO SAU.”KEEP IT UP!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s